Magiging star-studded ang pagbubukas ng PBA Season 47 sa darating na Hunyo 5.
Ito ay dahil sa mga artista na kinuha ng iba’t-ibang koponan isasama sa parada para maging kanilang muse.
Pangungunahan ng sexy actress AJ Raval na siyang kinuha ng Barangay Ginebra na maging muse.
Napili naman ng Magnolia Timplados si Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee.
Habang si 2019 Binibining Pilipinas 2nd runner up Samantha Bernardo ang napili ng Blackwater.
Kinuha naman ng koponang Converge si Miss Universe Philippines 2021 runner-up Maureen Wroblewitz habang ang model naman na si Ksenia Grondetska ang napili ng San Miguel Beermen.
Pangungunahan naman ng beauty queen at abogadang si Bea Patricia “Patch” de Guzman Magtanong ang NLEX Road Warriors habang ang 31st SEA Games triathlete Kim Mangrobang ang kinuha ng Meralco Bolts.