-- Advertisements --

Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease.

Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang kanilang lakad.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bawal ding dumalo sa Simbang Gabi ang mga kabataan kahit pa inadjust na ang curfew upang bigyang daan ng mas maagang oras ang pagsasagawa ng Simbang Gabi.

Dagdag pa ni Garcia na maaaring magsimula ang Simbang Gabi ng 12:00 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng umaga.

Dahil na rin sa coronavirus pandemic, mas paiigtingin pa ang umiiral na health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks para sa mga dadalo ng Simbang Gabi.