-- Advertisements --
Sinisi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang publiko dahil sa pagkalat ng mga basura na inanod sa Manila Bay.
Ang nasabing mga basura aniya ay siyang nakasira sa dolomite project ng DENR sa Manila Bay.
Sinabi ng kalihim na karamihang mga nahakot na basura sa Manila Bay ay galing sa ibang mga lugar.
Nakipag-ugnayan na ito sa mga iba’t-ibang local government units na magpatupad ng mas mabigat na multa sa mga maaarestong magkakalat sa kanilang lugar.
Nakatakda rin silang maglunsad ng proyekto tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at patuloy din ang kanilang gagawing mga clean up drives.