-- Advertisements --

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na muli nitong gagamitin para sa susunod na misyon sa Ayungin Shoal ang resupply boat na Unaizah May 4.

Ito ay sa kabila ng pinakahuling panghaharass na ginawa ng mga tauhan ng China Coast Guard dito sa pamamagitan ng pangbobomba nito ng watercannonn laban sa nasabing barko ng Pilipinas na nagdulot pa ng pagkabasag ng windshield nito na ikinasugat naman ng 4 na indibidwal na lulan nito.

Ayon kay AFP Western Command chief Vicce Admiral Alberto Carlos, sa ngayon ay kasalukuyan na aniiyang kinukumpuni ang naturang barko na madali na lamang aniya sapagkat papalitann lang naman ito ng windshield at CCTV cameras.

Kung maaalala, una nang inihayag ng naturang opisyal na isang test mission lamang at walang kargang supplies ang Unaizah May 4 nang mangyari ang kamakailan lang na insidente ng pangbubully ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Bahagi ito ng ginagawang pagsusuri ng mga kinauukulann upang alamin kung kakayanin ng naturang barko na makalapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na isang low-tide elevation.

Ang Unaizah May 4 kasi ay dalawang beses na mas malaki kumpara sa iba pang resupply boats na ginamit ng militar para sa kanilang Rotation and Resupply mission sa nasabing lugar at may posibilidad ito na sumadsad din sa isla nang dahil sa malalim nitong hull.

Samantala, hanggang sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng pagkukumpuni ang isa pang supply vessel na ginagamit ng militar na Unaizah May 2 na una na ring nagtamo ng malaking pinsala nang dahil din sa ginawang pangbobomba ng tubig ng China ngunit sa susunod anila na buwan ay inaasahan na itong magiging operational muli. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)