-- Advertisements --
Sisimulan na rin bukas ng Department of Transportation (DOTR) na gamitin ang mga barkong nakatengga sa mga pantalan para sa paghahatid sa mga overseas Filipino workers (OFWs) patungo sa kani-kanilang lalawigan.
Gagamitin ang mga barko sa mga lugar na walang direktang flights mula sa Metro Manila.
Sa ngayon kasi ay sinimulan na ang pagbyahe ng hanggang 14 na commercial flights, kung saan hanggang 4,000 ang maaaring ma-accommodate.
Maliban dito, maaari na ring mabigyan ng go signal ang mga bus para sa mga lugar na walang air at sea ports.