-- Advertisements --

Nilinaw ng Bureau of Immigration na bagama’t lumuwag na ng kaunti ang travel restrictions sa Pilipinas ay bawal pa ring makapasok ng bansa ang mga foreigners.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na tanging ang mga foreigners lamang na mayroong hawak na immigrant at non-immigrant visas ang maaring makapasok ng Pilipinas kahit pa bahagyang nagkaroon ng relaxation sa travel restrictions simula kahapon, Mayo 1.

Ayon kay Morente, mananatiling nakataas ang travel restrictions na ito hanggang sa tuluyang bawiin ng IATF.

“The recent easing of travel restrictions applies only to aliens who were allowed to come here before March 22 and they should have valid and existing visas at the time of their arrival in our ports of entry,” ani Morente.

Sinabi ng opisyal na ibinalik lamang ng Pilipinas ang ipinatutupad na travel international guidelines na bago pa man sumapit ang Marso 22 ay ipinatutupad na.

Magugunita na ang naturang petsa ay ang araw kung kailan nagpatupad ulit ang Pilipinas ng ban sa pagpasok ng lahat ng mga foreigners sa bansa dahil sa pagsipa ng mga COVID-19 cases.

Pero exempted sa visa requirement na ito ang mga asawa at anak ng mga balikbayang Pilipino pati na rin ng mg dating Pilipino.

Samantala, ang mga foreigners na mayroon namang hawak na valid at existing na Special Resident at Retirees Visa o temporary visitors’ visa ay maaring pumasok naman ng Pilipinas.