-- Advertisements --
image 312

Pinakakalma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at leading industry group ng mga pribado at government banks ang merkado at publiko sa gitna ng pangamba ng namumuong banking crisis sa Amerika.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na ligtas ang mga bangko sa bansa kasunod ng pagsara ng Silicon Valley Bank (SVB) na itinuturing na second largest failure sa banking system sa Amerika.

Ipinaliwanag naman ng BSP chief na hindi maihahambing ang pagsasara ng California-based bank sa nangyaring financial crisis noong 2008 kung saan halos 500 mga bangko sa Amerik ang nagsara.

Aniya, tiniyak mismo ng Federal Reserve na hindi mawawala ang pera ng mga depositors at maaari aniyang humiram ang mga bangko mula sa kanila gamit ang par value at hindi market value ng kanilang securities holdings bilang collateral.

Sa Pilipinas naman, siniguro ng Bankers Association of the Philippines (BAP) sa publiko na ang black swan event sa financial system ng Amerika ay walang substantial o material impact sa local banking industry.