-- Advertisements --
B immigration

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga bagong modus ngayong “Ber months” na binansagan ng ilan na may “emerging trafficking scheme” sa mga byahero.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, mayroon silang nadiskubre sa ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na pumupunta rin sa iba pang mga lugar bukod sa nakasaad sa kanilang mga employment document.
Ang mga may ganitong diskarte ay kagagawan umano ng mga recruiters sini-setup ang kanilang biktima sa tila isang bitag kung saan mapipilitan ang OFW na sumunod sa kanilang kagutuhan sa oras na mapa-alis na ito, gamit ang iligal na mga dokumento.
Ayon sa opisyal, karaniwang dumarami ang mga ganitong aktibidad kapag “Ber months” dahil sinasamantala ng mga ito ang holiday rush ng mga bumabyahe.