-- Advertisements --

Probar2

Malaking tulong sa mga pwersa ng Datu Piang Municipal Police Station sa pakikipaglaban sa mga teroristang BIFF at Dawlah Islamiyah ang mga bagong issued long firearms ng Philippine National Police (PNP).


Ipinamahagi na kasi ng PNP leadership sa ibat ibang police stations nationwide ang mga bago nilang procured na Galil ACE 22N 5.56mm Basic Assault Rifles, K2C1 5.56 Basic Assault Rifle, K3 5.56 Light Machine Gun at NEGEV5 7.62mm Light Machine Gun.

Ayon kay PNP-PROBAR Regional Police Director BGen. Samuel Rodriguez, nagawang makipaglaban ng mga pulis sa teroristang grupo at napanatili ang kanilang position bago pa dumating ang reinforcement mula sa Regional Mobile Force Battalion at militar.


Dahil sa malakas ang firepower capabilities ng mga pulis hindi na tinuloy ng mga terorista na lusubin ang sentro ng bayan.

Pero nagawang sunugin ng mga terorista ang patrol car na ginamit ng mga pulis sa pagpapatrulya na naka park na may 50 meters ang layo mula sa simbahan.

Probar1

Sinabi ni Rodriguez ang nasabing insidente ay nakakagulat pero dahil sa malalakas ang armas ng mg pulis nagawa nilang pigilan ang anumapamang plano ng teroristang grupo.

Ayon sa heneral nakatanggap ng impormasyon ang PNP na magsasagawa ng pagsalakay ang BIFF sa ilalim ng grupo ni Commander Motorola at Commander Karialan sa Municipal Hall at Sta Sana Theresa Church.

Kaya agad nagsagawa ng target hardening measure ang PNP kung saan pumwesto ang mga pulis sa likod ng simbahan kung saan bandang alas-9:15 ng gabi na makasagupa ng mga pulis ang teroristang BIFF at Dawlah Islamiyah.

Agad namang nag reinforce ang mga tropa ng 34th IB PA, 6TH IB, PA at RMFB14 dahilan para umatras ang teroristang grupo.

Matapos ang insidente agad nag-sagawa ng ocular and social investigation sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao si BGen. Rodriguez kung saan kinausap nito ang mga residente sa lugar.