-- Advertisements --
Sinagip ng mga kapulisan ang nasa 150 na katutubong badjao sa kahabaan ng Agham Road, Quezon City.
Mula sa Lucena City ang mga Badjao na dumating sa lugar noong Disyembre 18 para mamalimos.
Sinabi ni Rannie Ludovica, QC Task Force Disiplina, nagiging delikado ang kalagayan ng mga ito dahil naninirahan sila gilid ng kalsada.
Dinala ang mga ito sa covered court ng Barangay Batasan Hills bago ipasakamay sa Department of Social Welfare and Development Office.