Magsasagawa ng isang buwang training camp sa France ang mga atleta ng bansa bago ang pagsabak nila sa Paris Olympics.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino , na sila ang nag-organiza ng nasabing training camp sa lahat ng mga Filipino Olympian sa Metz City.
Gaganapin ito mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 22 sa Metz na ang layo ay mahigit isang oras mula sa Paris.
Dagdag pa ni Tolention na makakatulong ang nasabing training para masanay ang mga atleta sa klima ng Paris bago ang pormal na pagbubukas ng Olympics sa Hulyo 26.
Ang opisyal mula sa Metz ang tumulong na siyang magbibigay ng mga hotel accomodations ganun din ang mga training facilities.
Sa kasalukuyan ay mayroong siyam na atleta na ng bansa ang direktang kuwalipikado na ito ay binubuo nina pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena, boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio and Aira Villegas, weightlifters Vanessa Sarno, Erleen Ann Ando and John Febuar Ceniza, at gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan.