Magsasagawa ng courtesy call ngayong araw kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga atleta ng bansa na nakakuha ng medalya sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Isasagawa ito sa Malacanang dakong ala-sais ng gabi.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na hindi na bago ang pag-courtesy call ng mga manlalaro kay Pangulong Duterte.
Hindi na rin aniya sila masosorpresa kung magbibigay pa ng karagdagang bonuses ang pangulo sa mga atleta ng bansa.
Umabot kasi sa 52 golds , 70 silvers at 105 bronze medals ang naiuwi ng bansa Hanoi SEA Games.
Base rin sa nakasaad sa batas na makakatanggap ng P300,000 ang mga nakakuha ng gintong medalya, habang P150,000 ang mga silver medalist at P60,000 sa bronze medalist.
Makakatanggap naman ang mga coaches ng kalahati sa mga natanggap ng mga manlalaro.










