-- Advertisements --

Ibinigay ng US sa Ukraine ang mga ilang libong mga nakumpiska nilang armas mula sa Iran.

Ayon sa US Central Command, na mayroong ng mga naunang halos isang milyong rounds ng mga bala na kanilang nakumpiska sa Iran.

Ang nasabing ng mga armas at bala ay pag-aari na ng gobyerno ng US mula pa noong Hulyo 20, 2023 sa pamamagitan ng civil forfeiture claims ng Department of Justice.

Nakumpiska ng US Navy ang mga armas na kinabibilangan ng ilang rocket-propelled grenades sa isang barko ng Islamic Revolutionary Guard Corps na patungo noon sa Yemen noong Disyembre 9, 2022.