-- Advertisements --

Magsasagawa ng vigil sa tabi ng kabaong ni Queen Elizabeth ang waong apo nito sa Westminster Hall.

Tatayo sa parteng ulo sina Prince William ang Prince of Wales habang sa paanan nito si Prince Harry ang Duke of Sussex.

Magtatagal ang mga ito ng hanggang 15 minuto.

Base na rin sa hiling ni King Charles III susuotin nila ang kanilang mga royal dress.

Habang ang ilang apo ni Queen Elizabeth ay magsusuot ng morning coats at dark formal dress na mayroong decorations.

Makakatabi ni Prince of Wales sina Zara Tindall at Peter Philips na mga anak ni Princess Anne.

Habang makakasama naman ni Duke of Sussex Prince Harry sina Princess Beatrice at Eugenie ang mga anak na babae ni Prince Andrew kabilang na rin dito sina Lady Louise Windsor at Viscount Severn ang mga anak ni Prince Edward.