-- Advertisements --
Ibinahagi ng komediyanteng si Pokwang ang bonding ng kaniyang mga anak sa ama nito na si Lee O’Brian.
Matapos kasi ang anunsiyo nitong paghihiwalay nilang dalawa ay nagpost ang komedyante ng larawan ng dalawa nitong anak na ka-bonding ang ama nila sa US.
Naiwan ang komediyante sa Pilipinas at tanging mga lolo at lola aniya ng mga bata ang sumama patungo sa US.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibinunyag ng komediyante na ito ay hiwalay na kay O’Brian kung saan nagkasundo ang mga ito na maging magkaibigan at ituloy ang pagiging magulang sa mga bata.