Tinanghal bilang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas ang anim na anak ng business tycoon na si Henry Sy Sr.
Ang nasabing SM Group founder ay sumakabilang-buhay nitong Enero ngayong taon sa edad na 94 at pinamana nito ang mga kayamanan at ari-arian sa magkakapatid na Teresita, Elizabeth, Hans, Herbert, Harley at Henry Jr.
Nakasaad sa Philippines’ 50 Richest ng Forbes magazine, hawak ng Sy siblings ang $17.2 billion o katumbas ng mahigit P886 billion.
Gayunman, si dating Sen. Manny Villar pa rin ang nangunguna kung individual wealth ang pag-uusapan kung saan mayroon siyang $6.6 billion o mahigit P312 billion.
Mas mataas ito kompara sa kabuuang net worth ni Villar nitong Mayo na $5.5 billion (P288 billon), na noo’y pang-317 naman na pinakamayaman sa buong mundo.
Samantala, nasa listahan din ang retail, telecoms and air transport tycoon na si John Gokongwei na mayroong $5.3 billion net worth, sunod ang ports magnate na si Enrique Razon ($5.1 billion), at Jaime Zobel de Ayala ng Ayala group (3.7 billion).
Bahagyan malayo na ang sumunod sa listahan na $660 million sa katauhan ng Davao-based tycoon na si Dennis Uy
Si Uy ang siyang founder ng isang holdings company sa larangan ng langis, edukasyon, shipping, logistics, real estate, at gaming.