-- Advertisements --
DAGUPAN CITY– Maaring maubos ang mga alagang hayop sa isang buong farm kapag nakapasok ang bird flu
Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura, ganun katindi ang pagtama ng bird flu sa ibang lugar kaya nag iingat ang lalawigan para hindi magkaroon ng outbreak sa ating probinsya.
Magiging malaking problema kapag nakapasok umano ang bird flu lalo pa at maraming producers ng manukan sa lalawigan. Ang iba ay nag proproduce ng itlog at dinadala sa ibang lugar.
Sa ngayon ay wala pang naitatala na kaso sa lalawigan.
Samantala, wala aniyang problema kung naluto ang karne ng manok na umabot ng 70 degrees.
Wala pa umanong rekord na nagsasabi na puwedeng humawa ang naluto nang manok.