-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nadagdagan pa ang kasiyahan sa idinaos na Bombo Medico 2019 sa lungsod ng Butuan dahil hindi lamang mga tao ang nakinabang sa libreng mga services kundi pati na rin ang mga hayop.

Ito ay matapos dumating rin ang mga kawani ng Office of the City Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Alegado upang magbigay ng libreng kunsulta at bakuna kontra rabbies para sa mga aso at pusa.

Ayon kay Michael Dulay, nasa labas ng covered court nila isinagawas ang konsulta at bakuna sa mga hayop upang hindi makadisturbo sa mga tao.

Iba’t ibang libreng services ang napanginabangan ng maraming mga benepisyaryo sa taunang Bombo Medico na hatid ng Bombo Radyo Philippines.