Matapos ng dalawang taong pahinga sa lahat ng mga pagtitipon dahil sa pandemya, napagdesisyunan ng pamunuan ng Basilica Minore del Sto. Niño na ibalik na ang lahat ng religious activities ng Fiesta Señor sa darating na Enero 5 hanggang 20, 2023
Kabilang dito ang Walk with Jesus, novena masses, Walk with Mary, translacion, fluvial procession at solemn foot procession.
Ang 458th Fiesta Señor ay may temang, “Sto. Niño: Our Source of Peace in the Walk of Faith.”
Sa pagbabalik ng lahat ng mga relihiyosong aktibidad, pinaalalahanan naman ang lahat ng devotees,pilgrims, at guests na sumunod sa ipapatupad na protocols na ipinapatupad para ka kaligtasan, kaayusan, at mataimtim na pagsasagawa ng relihiyosong selebrasyon.
Samantala, inihayag ni Fr. John Ion Miranda na inaasahan na umano nila ang pagdagsa ng mga tao kaya nakipag-ugnayan na sila sa Cebu City Police Office upang maiwasan na magkaroon ng stampede.
Sa panig naman ng CCPO, dodoblehin pa umano nila ang tauhan ng pulisyang idideploy kumpara sa mga naunang selebrasyon at pagpapabutihin pa umano nila ang seguridad.