-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang western Mexico.

Ayon sa national seismological agency naramdaman ang epicenter nito sa 59 kilometers ng southern Coalcoman sa Michoacan.

Naitala naman sa US Geological Survey ang magnitude 7.6 na lindol na mas malakas kumpara sa Mexican seismologist.

Nangyari ang lindol kasabay ng obserbasyon ng dalawang malakas na pagyanig sa bansa noong 1985 at 2017.

Noong Setyembre 19, 1985 quake ay ikinasawi ng mahigit 10,000 katao ang 8.1 magnitude na lindol habang noong 2017 na mayroogn 7.1 magnitude na lindol ay ikinasawi ng 370 katao.