-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayon ng dating three-division champion Marco Antonio Barrera ang kanyang pagbabalik sa boksing sa edad na 47-anyos.

Makakasagupa nito sa welterweight ang dating super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon.

Isasagawa naman ang laban sa November 20 sa Mountain Gods Resort & Casino in Mescalero, New Mexico.

Huling sumabak si Barrera noong 2011 laban kay Jose Arias at nanalo sa pamamgitan ng second-round technical knockout.

Taong 2007 naman nang talunin ni Sen. Manny Pacquiao ang Mexican boxer.