
Nagdesisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isuspinde muna ang ginagawang mga roadworks sa mga pangunahing kalsada sa sa National Capital Region (NCR) dahil sa inaasahang heavy traffic lalo na ngayong christmas season.
Sinasabing pinatigil na rin ng MMDA ang pagbibigay ng mga permits sa mga road works mula ngayon hanggang January 6, 2023.
Ayon sa MMDA ang kanilang hakbang ay bilang bahagi ng kanilang traffic management measures dahil tiyak daw ang volume ng mga behikulo sa kahabaan ng EDSA ay babalik na sa pre-pandemic level.
Sa ngayon aniya nasa 380,000 hanggang 401,000 na ang mga sasakyan na pumapasada sa mga kalsada kung saan nasa 10% hanggang 20% ang namonitor na pagtaas.
Una na ring nagkaroon ng kasunduan ang MMDA sa mga mall owners at operators sa Metro Manila na mag-adjust sa kanilang operating hours mula alas-10 a.m. hanggang alas-10 p.m. at alas-11 a.m. hanggang alas-11 p.m. na nagsimula kagabi.










