Idinisenyong matibay ang itinatayong kauna-unahang Metro Manila underground subway para makayanan hindi lamang ang baha kundi maging ang iba pang mga kalamidad sa rehiyon.
Ito ang tiniyak ng Department of Finance, ang ahensiyang nakatutok sa pagpopondo para sa naturang proyekto.
Dahil ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na madalas tinatamaan ng mga kalamidad sa buong mundo, ipinunto ng DOF na isinama ang mga advance at sustainable features para sa nasabing subway.
Kung saan may sariling flood management system ang naturang bilyong subway project at mayroong cutting-edge seismic technology para epektibong maibsan ang epekto ng baha at iba pang kalamidad.
Ayon naman sa Department of Transportation nakikipagtulungan ang pamahalaan sa mga kompaniya ng Japan para matiyak na magiging matibay ang Metro Manila subway laban sa baha.
Sa oras nga na makumpleto ang underground subway, inaasahang iikli na ang oras ng biyahe mula Valenzuela patungong NAIA mula sa kasalukuyang isa’t kalahating oras sa 35 minuto na lamang.
Ayon sa DOF, ang Metro Manila subway ang itinuturing na ikatlong pinakamalaking proyekto sa ilalim ng Build Better More program ng Marcos administration na kayang magsakay ng mahigit kalahating milyon na pasahero kada araw.