-- Advertisements --

Nagsimula nang mamahagi ng ayuda ang iba’t ibang local government units sa Metro Manila, na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa Agosto 20.

Sa Parañaque Citym isinagawa ang ceremonial distribution ng ayuda sa Greenhights Village sa Barangay San Isidro kaninang alas-8:00 ng umaga.

Dumalo sa naturang event sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista at Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

Sa Barangay Addition Hills naman sa Mandaluyong City, bago pa lang sumapit ang alas-8:00 ng umaga ay nagsidatingan na ang mga residente sa isang coverd court ara pumila sa ayuda.

Alas-7:00 naman ng umaga nagsimula ang cash aid distribution sa San Juan City ayon kay Mayor Francis Zamora.

Sa barangay Sta. Luncia, St. Joseph, at Isabelita sa naturang lungsod sinimulan ang pamamahagi ng ayuda.

Tanging 100 beneficiaries kada oras kada barangay sa San Juan ang ma-accomodate sa release ng ayuda para matiyak na nasusunod ang social distancing.

Doon naman sa Quezon City, P2.48 billion ang pondo na nakalaan para sa mahigit 800,000 beneficiaries.

Alas-8:00 rin ng umaga nagsimulang gumulong ang pamamahagi ng cash assistance sa dalawang payout sites sa Barangay Commonwealth.

Ang bawat distribution site ay mag-accomodate lamang ng mahigit 1,000 beneficiaries.

Sa Maynila, alas-9:00 na ng umaga nagsimula ang payout ng social assistance.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 ang bawat pamilya.