-- Advertisements --
image 396

Naglatag na ang Metro Manila Council (MMC) ng ilang mga measure para sa tuluyang pagbabago ng mall operations kasabay ng papalapit na kapaskuhan.

Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, nagkasundo ang mga mall operators at mall owners na mag-adjust muna ng kanilang operating hours upang makatulong sa pag-manage ng trapiko sa buong rehiyon.

Batay sa napagdesisyunan aniya, magbubukas na ang mga mall, alas-11 ng umaga at magtutuloy ito hanggang alas-11 ng gabi.

Habang ang mga mall deliveries ay gagawin mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ang naturang pagbabago ay upang hindi na dadagdag sa trapiko sa panahon ng rush hour ang mga deliveries at mula sa ibat ibang mga lugar.

Habang ang mga mallgoers ay may pagkakataon namang magtungo o manatili sa mga mall hanggang alas-11 na ng gabi, na inaasahang mas magaan ang trapiko.

Tiniyak naman ng opisyal na may mga nakalatag ding adjustment sa seguridad at iba pang usapin kasabay ng bagong schedule.