-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang sa mga local government units ng Metro Manila Council (MMC) ang pag-regulate ng paggamit ng mga tubig sa business establishment na kanilang nasasakupan.
Sinabi ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora na ito ang isa sa mga tinalakay nila sa ginawang pagpupulong ng mga alkalde ng Metro Manila.
Bawat lugar kasi ay magkakaiba ang bilang at uri ng mga negosyo at ang mga mas nakakaalam nito ay ang mga alkalde na nakakasakop nito.
Patuloy din ang panawagan nito sa publiko na ugaliing magtipid ng tubig lalo dahil sa banta ng El Nino sa bansa.