Bukod sa Metro Manila, ang Covid-19 positivity rates sa pitong Luzon areas ay lumampas sa 20 percent, na itinuturing na “high” o napakataas, ayon sa metrics na ginamit ng OCTA Research.
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na tumaas ang pitong araw na Covid-19 positivity rate sa Metro Manila mula 17.2 percent noong Abril 29 hanggang 22.7 percent noong Mayo 6.
Ang mataas na positivity rate ay naobserbahan din sa Batangas mula 11.2% hanggang 23.2%, Bulacan mula 10.4% hanggang 20.%, Camarines Sur 39.7% hanggang 45.1% Cavite mula 28% hanggang 35.3%, Isabela mula sa 16.7% hanggang 25.9 %, Laguna mula 18.5% hanggang 23.8% at Rizal mula 28.5 %hanggang 38.8%.
Nauna nang sinabi ni David na ang pagkalat ng Covid-19 Omicron subvariant na XBB.1.16 ay maaaring nag-ambag sa pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nagbunga ng mga positibong resulta mula sa mga nasuri para sa Covid-19.
Ang benchmark para sa positivity rate na itinakda ng World Health Organization ay 5 porsyento.
Una nang iniulat ng Department of Health ang 1,920 bagong kaso ng Covid-19 sa buong bansa, kung saan 784 na kaso ang naitala sa Metro Manila.