-- Advertisements --

Nakatakdang idepensa ni Pedro Taduran ang kaniyang IBF minimumweight laban kay Christian Balunan.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Oktubre 26 sa San Andres Sports Complex.

Ang nasabing laban ay tatlong araw bago ang gaganaping 50th anibersaryo ng makasaysayang “Thrilla In Manila”.

Mayrong record si Taduran na 18 panalo, apat na talo, isang draw at 13 knockouts.

Habang si Balunan ay mayroong 12 panalo, wala pang talo na may 7 knockouts.

Huling lumaban si Taduran noong Mayo ng talunin si Ginjiro Shigeoka.