Hinikayat ng mga eksperto mula OCTA Research Team ang gobyerno na muling ikonsidera ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine protocols o localized lockdowns sa ilang syudad sa bansa.
Ito’y matapos isiwalat ng mga eksperto na tumaas pa ang COVID-19 cases na kanilang naitatala sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.
Partikular na ang Bauan Batangas, Calbayog sa Western Samat at General Trias sa lungsod ng Cavite.
Ang muling paghihigpit sa quarantine protocols ay dahil nabatid ng mga ito na bumilis ang pagtaas ng daily rate ng deadly virus sa mga nasabing lugar sa loob lamang ng dalawang linggo.
Sa bawat 1,000 katao sa Bauan ay tumaas ang daily attack rate nito ng 11.9% noong Oktubre 11 mula 6.2% ng Oktubre 4.
Naitala naman sa Calbayog ang 8% daily attack rate mula sa 5.1%. Tumaas din ang bilang sa General Trias na dati ay nasa 4.9% lamang ngunit umakyat ito ng 7.6%.
Ang attack rate ay tumutukoy sa bilang ng kasong naitatala na may kauganayan sa populasyon.
Inihirit din ng mga eksperto ang pagpapatupad ng mas mahigpit na restrictions sa mga lugar na mayroong limitadong hospital capacity o mga osptal na mayroong occupancy rate na mas mataas pa sa 70%.
Napag-alaman din ng mga eksperto na tumaas ang daily attack rate sa Iloilo City, Lucena, Bqatangas City, Silay, Dasmariñas, Olongapo, Bocaue, Meycauayan at Kabankalan.