-- Advertisements --

Pinatawan ng nasa $1.3 bilyon na multa ng European Union ang Meta.

Kasunod ito sa paglabag sa EU privacy law sa pamamagitan ng paglipat ng mga personal data ng mga Facebook users sa servers nila sa US.

Ayon sa European Data Protection Board na inilabas nila ang desisyon matapos ang isinagawang imbestigasyon sa Facebook ng Irish Data Protection Commission ang nangungunang regulator na nagbabantay sa operasyon ng Meta sa Europe.

Ang nasabing hakbang aniya na ito ng Meta ay isang paglabag sa General Data Protection Regulation.

Bukod pa sa nasabing halaga ay inatasan din nila ang Meta na itigil na ang pagproseso ng mga personal data ng mga European users sa US ng hanggang anim na buwan.

Sa panig naman ng Meta ay balak nilang iapela ang nasabing desisyon.