Pinagpapaliwanag ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook.
Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm.
Matatandaang isa sa umalma sa warning ng Meta ang kampo ni Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Habang ngayong araw naman ay kinumpirma ng tagapagsalita ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na sinusinde ng Facebook ang kaniyang account.
Samantala, nanindigan naman ang Meta na walang company officials na sangkot sa flagging ng mga post ng ilang government offices.
Ayon sa Meta, batid nila na tila na-block ng isang automation system ang pag-share ng ilang links sa kanilang platform.
Dahil dito, naka-flagg din ang posts ng ibang Facebook pages na una nang nag-share ng mga nasabing link kaya’t iniimbestigahan at nireresolba na nila ang issue.
Nilinaw pa ng Meta na ang third-party fact-checking partners ay hindi basta nagtatanggal ng content, accounts o pages mula sa kanilang apps.
Nagtatanggal lamang ang FB ng content kung lumalabag ito sa kanilang community standards, na iba pa sa fact-checking programs nito.