-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Argentinian football star Lionel Messi.

Itinuturing kasi ngayon siya ng social media platform na Instagram bilagn most-liked IG post.

Sa gallery kasi ng IG ni Messi ay mayroong mahigit 57 milyon ang nag-like.
Nahigitan nito ang dating may hawak ng record na isang itlog.

Ang nasabing itlog kasi ay nakatanggap ng mahigit 56-milyon likes lamang na ang larawan ay nagpapahiwatig ng isang protesta laban sa artista.

Nalampasan din nito ang post ni Kylie Jenner na noong 2018 ay umabot sa mahigit 18-M likes ang larawan na ipinost nitong anak na si baby Stormi.

Si Jenner din ang unang babae na unang nakakuha ng 300 milyon followers sa social media na nakamit na rin ni Messi.

Kasabay din nito ay nagpost ang Guinness World Record kung saan nalampasan nito si Lothar Matthaus ng Germany na mayroong pinakamaraming World Cup na nilaro na aabot sa 26.

Si Messi kasi ay siyang unang tao na nag-assist para makapag-goal sa limang magkakaibang World Cups, mayroon din siyang limang paglalaro sa World Cup , 19 most World Cup appearance as captain at 11 most World Cup Man of the Match awards.