Good news para sa mga customer ng Meralco (Manila Electric Company) dahil ngayong buwan ng Agosto ay magtatapyas daw sila ng singil sa kuryente.
Ayon sa kompanya, bumaba ang overall electricy rate para sa isang tipikal na bahay na komu-konsumo ng 200-killowat hour.
Mula sa P9.98-killowat hour rate noong Hulyo ay bahagya itong bumaba sa P9.56 rate per killowat hour pagpasok ng Agosto.
Dahil dito, asahan umano na maglalaro sa P84 ang mababawas sa electricity bill ng mga pasilidad na gumagamit ng naturang rate ng kuryente.
“The downward adjustment of P0.4176 per kWh will mean a decrease of around P84 in the typical household’s total bill.”
Kaugnay nito nilinaw ng Meralco na wala pa ring nagbago sa kanilang pataw na singil para sa distribusyon, supply at metro.
Ito na ang ikaapat na sunod na buwan kung saan nagtapyas ng singil sa kuryente ang Meralco.
“Meralco reiterated that it does not earn from the pass-through charges, such as the generation and transmission charges. Payment for the generation charge goes to the power suppliers, while payment for the transmission charge goes to the NGCP,” ayon sa Meralco.