-- Advertisements --
image 118

Inanunsiyo ng Meralco na ang singil ng kuryente ngayong Hunyo ay magtataas matapos makumpleto ang distribution-related refund noong buwan ng Mayo.

Ayon sa utility distributor, magkakaroon ng umento na P0.4183 per kWh sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo dahilan para pumalo ang overall rate para sa typical household sa P11.9112 per kWh mula sa P11.4929 per kWh noong Mayo.

Asahan naman ng mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh ng tinatayang P84 na pagtaas sa kanilang kabuuang electricity bill.

Ayon kay Meralco Head of Regulatory Management Office Atty. Jose Ronald Valles ang ibinigay na refund ay nakatulong sa mga customer ng Meralco sa nakalipas na dalawang taon para maibsan ang mataas na bill sa kuryente sa panahon ng financial distress at uncertainty sa nakakarami.