-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakatakdang magkaroon ng psychological assessments sa mga plebo ng Philippine Military Academy (PMA) kasunod ng insidente ng pagmaltrato na nagresulta sa pagkamatay ng isang plebo.

Ayon kay PMA Commandant of Cadets Brigadier General Romeo Brawner Jr., may pangangailangan sa psychosocial assessment at interventions para maipasiguro ang mental stability sa nga plebo o fourth class cadets ng akademya.

Aniya, may mga grupo ng mga psychologists na nagboluntaryong tumulong sa pagsasagawa ng psychological assessments para sa mga plebo.

Ayon kay Brawner, sumailalim na ang mga plebo sa stress, trauma at anger management for upperclassmen.

Dinagdag niya na sa nakaraang tatlong araw ay nagsagawa ng assessment ang neuro psychiatry teams mula sa Armed Forces of the Philippines at nakagawa ang mga ito ng rekomendasyon para mapabuti ang sistema sa loob ng akademya.

Inirekomenda daw ng mga psychologists ang pagdagdag ng mental health sa curriculum ng PMA, frequent psychological interventions, at karagdagang bilang ng psychiatrists at psychologists, na tututok sa psychological needs at mental health ng mga kadete.

Ayon pa kay Brawner, kailangan ang isang eksperto para sa isang company.

Napag-alaman na iisa lamang ang psychometrician ng akademya.

Samantala, isasagawa rin nila ang group norming para matukoy ang bad habits at bad practices ng mga kadete gaya ng culture of hazing.

Aniya, nalulungkot pa rin ang mga kadete sa pagkamatay ni Cadet Dormitorio.

Gayunman, nasisiyahan ito sa general sentiment na positibo naman ang mga kadete sa pagbabagong isinasagawa sa akademya.

Sinabi niya na nararamdaman na nila na nawawala na ang ilan sa mga sistema sa PMA.