-- Advertisements --
Nabigo ang men’s volleyball team ng bansa sa Indonesia sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Dominado ng Indonesia para makuha ang score na 22-25, 23-25, 20-25 sa laro na ginanap sa DQ Sports Gymnasium.
Dahil dito ay mayroon ng isang talo ang Pilipinas habang ang Indonesia ay mayroong isang panalo at wala pang talo sa Group F.
Nanguna sa Pilipinas si Bryan Bagunas na nagtala ng 17 points na mayroong 16 attacks sa laro na umabot sa isang oras at 23 minuto.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Afghanistan sa araw ng Miyerkules sa oras ng 2:30 ng hapon.