-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng menor de edad na namatay dahil sa accidental firing sa Leon, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Felix Perez, Officer-in-Charge ng Leon Municipal Police Station, sinabi nito na bago pa man nangyari ang insidente, nag-iinuman pa ang biktima kasama sina John Leogen Caman at isa pang kaibigan sa bahay ng Principal na si George Callanga.

Ayon kay Perez, binuksan umano ng menor de edad at ni Caman ang kuwarto ng Principal at pinaglaruan ang .40 caliber na baril.

Inihayag ni Perez na aksidenteng pumutok ang armas na hinahawakan ni Caman at tinamaan sa hita ang menor de edad.

Dinala sa hospital ang biktima ngunit binawian ito ng buhay.

Kaibigan ng biktima at ng suspek ay scholar ni Callanga samantalang si Caman naman ay dati ring scholar at tuwing sa weekend lang pumupunta sa bahay ng principal upang tumulong.