VIGAN CITY – Pumanaw na ang menor de edad sa lalawigan ng Ilocos Sur na pinaniniwalaang nagbigti gamit ang leather belt nito sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa Barangay Ayusan Norte, Vigan City noong gabi ng February 17.

Ito ay matapos manatili sa loob ng Intensive Care Unit ang biktima ng halos 3 araw dahil nakita ito ng kaniyang mga kasama sa boarding house.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, nagpahayag ng pagdududa ang lola ng biktima hinggil sa nangyari sa kaniyang apo dahil hindi naniniwalang kaya ng biktima na magpakamatay sapagkat matapang ito at hindi sumusuko sa hamon ng buhay kahit pa galing ito sa broken family na siyang itinuturong rason umano ng pagpapatiwakal nito.

Napag-alaman na 6 na buwan pa lamang umano ang biktima ng umalis ang kaniyang ina patungong Italy kaya naiwan ito sa pangangalaga ng kaniyang ama.

Nang malaman umano ng ama ng biktima na mayroon ng ibang asawa sa Italy ang kaniyang ina, naghanap na rin umano ito ng ibang babae kaya naiwan ang biktima sa pangangalaga ng kaniyang lola.

-- Advertisement --

Sa ngayon, hindi nawawala ang hinala ng pamilya ng mga biktima na mayroong foul play sa nangyari na siya namang ini-imbestigahan ng mga otoridad sa ngayon.