-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kaagad dinala sa Bahay Pag-asa ang isang binatilyo na suspek pagpatay sa amo nito.

Ayon kay P/Major Ruelito Lumiguid, hepe ng Lagao Police Station, kanila pa ring iaakyat sa piskalya ang kaso laban sa 16-anyos na lalaki at hihintayin na makaabot ito ng legal age.

Nabatid na mismong ang kapatid pa ng suspek ang naghatid upang isuko sa pulisya ang suspek.

Inamin umano ng suspek na kanyang sinaksak at minartilyo ang biktima matapos hindi pinayagan na umuwi at hindi pa binigyan ng sweldo sa tatlong buwan na pagtrabaho.

Gayunman, tumakas daw ito at hindi totoong ginahasa ang biktima.

Una rito, duguan at walang buhay si Darlene Dagsan Tupaz, 45-anyos na residente ng Purok 19, Lagao nitong lungsod, nang matagpuan.

Narekober ang kutsilyo at maso na ginamit ng biktima.

Base sa pahayag ng live-in partner ng biktima, tatlong buwan ng naninilbihan bilang “boy” ang suspek na kasama palagi ng biktima sa negosyo nitong meat processing products.

Nalaman na “bunga” ng broken family ang biktima na residente ng Tupi, South Cotabato.