-- Advertisements --
Nagtamo ng mga pasa sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ang isang 15-anyos na batang lalaki matapos umanong bugbugin ng mga miyembro ng maritime police sa Navotas.
Ayon sa Navotas Police, iniulat ng ina ng biktima na ang kanyang anak ay hinampas, sinipa, at hinampas ng mabigat na mapurol na bagay ng mga miyembro ng Navotas Maritime Police noong Biyernes, Agosto 25.
Ani, Navotas Police chief Colonel Mario Cortes, “Hinuli ‘yung victim dahil may nawawalang cellphone daw. May humataw sa kanya sa likuran, at the same time, may sumipa rin. ‘Yun ang pagkakasalaysay sa kaniyang statement,”
Dagdag pa nito, “Matigas na bagay daw, blunt. Kung baseball bat, kasama rin ho ‘yun sa isang titignan namin na imbestigation,”