-- Advertisements --

Lumagda si Department of Labor and Employment ( DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Secretary Yulo Loyzaga para sa layong mobilization ng mga Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers at isama ang mga ito bilang forest rangers alinsunod sa kampaniya ng gobyerno laban sa illegal logging.

Ayon kay Laguesma ang pangunahing tungkulin ng mga forest rangers ay magsagawa ng intensive patrol sa kagunatan, seedling production, establishing plantations at pag-assist sa forest protection activities ng Improved National Forest Protection Program ng DENR.

Sinaksihan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang naturang MOA signing ng DENR chief at DOLE secretary.

Ayon sa DOLE, naglaan na ng pondo para sa arawang sahod ng mga TUPAD workers na magiging forest rangers gayundin ang kanilang adminsitrative cost para sa personal protective equipment at group personal accident insurance na mahahire.

Tinap na din ng DOLE ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang kanilang accredited training institutions para magsagawa ng kaukulang skills training at magasiste sa advocacy of environment-related laws, rules, at regulations para sa TUPAD workers na matatalagang forest rangers.