Pinababakante ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang mga posisyon sa executive department.
Ito ang kauna-unahan niyang kautusuan batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 1 na pinirmahan ni Executive Secretary Vic Rodriguez.
Sa unang araw na working day, inutusan ng pangulo ang lahat ng mga presidential appointees ng dating administrasyon na itinuturing na co-terminous ay dapat agad ng bakantehin ang kanilang mga opisina.
Sakop din ng direktiba ang lahat ng mga presidential appointees na nag-ookupa ng sobra sa otorisado sa isang tanggapan; lahat na mga non-Career Executive Service Officials na nakapwesto sa mga Career Executive Service positions; at mga empleyado na contractual o kaya casual employees sa government offices.
Gayunman ayon pa sa memo number one ni Marcos, ang mga magsisilbi munang OIC ay pansamantala munang hahawakan ang puwesto ng hanggang July 31, 2022, o hanggang merong ng naitalagang mga bagong kapalit.
Samantala sa ngayon inaabangan naman ang susunod na papangalanan ni Presidente Marcos na bagong secretary ng Department of Health, Department of Energy, at sa Department of Environment and Natural Resources.