-- Advertisements --

Excited na raw ang mga magsasaka kaugnay sa proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) na gumawa ng “mega-farms” para matulungan ang gobyerno na maibaba ang presyo ng bigaso sa P20 kada kilo.

Ayon kay DAR Secretary Bernie Cruz, sinimulan na raw nilang pag-usapan ang Mega Farm Project kasama ang ilang farmers’ groups at nakatanggap daw sila ng positbong tugon mula sa grupo.

Dagdag ni Cruz, ang natuang proyekto ay magiging bahagi ng report na kanilang issumite sa susunod na kalihim ng DAR.

Ani Cruz, suportado raw ng federation of agrarian reform beneficiaries (ARBs) at landless peasants called Task Force Mapalad (TFM) ang naturang Mega Farm Project.

Pero iginiit naman daw ng grupo na para maging matagumpay ang naturang proyekto ay kailangan ang malakas na political will ng susunod na administasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagbigay din ng suherstiyon ang TFM gaya ng pag-fine-tune sa proyekto at ang pagpapagaan sa pamimigay ng lupa na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga magsasaka na nais lumahok sa mega-farm.