-- Advertisements --

Nasa third phase na para sa coronavirus testing ang biotechnology company na Regeneron.

Ayon sa kompaniya, natapos ang dalawang trial stage ng REGN-COV2 sa kanilang investigational double antibody para sa treatment at prevention ng COVID-19.

Sa phase 3 trial ay makikita ang abilidad ng droga para mapigilan ang coronavirus infection sa mga taong hindi pa nadadapuan ng virus.

Isasagawa ito sa 100 sites na kinabibilangan ng 2,000 pasyente sa US.