Napagkasunduan ng Kongreso at Senado na ipasa sa loob ng taon ang mga panukalang batas na naglalayong lumikha ng Medical Reserve Corps at muling buhayin ang military training.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ginawa ng Senado at House of Representatives ang kasunduan sa isinagawang pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Idinagdag pa rito na napaka-timely na nagkaroon ng unang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting bago pa man ang budget season.
Aniya, kailangan ang LEDAC upang matukoy ang mga panukalang batas na dapat bigyan ng puwang kasama ng budget.
Ang mga sumusunod ay ang iba pang mga hakbang na napagpasyahan ng Kongreso na ipasa sa loob ng taon:
paglikha ng National Disease Prevention Management Authority/Center for Disease Prevention and Control
paglikha ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines
pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer Law
condonation ng hindi nabayarang amortization at interest loan ng agrarian reform beneficiaries
Tiniyak ni Zubiri na ang legislative leadership sa ilalim ng 19th Congress — ibig sabihin, siya at si House Speaker Martin Romualdez — ay magkakaroon ng “working relationship and coordination sa kanilang mga respective chambers’ sa pagpasa sa priority legislation.”