-- Advertisements --

Pinangunahan ng Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles Club ng CLR-30 ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ang Medical Mission noong October 5, 2025 sa Global OWWA Hong Kong.

Dinaluhan ito ng kanilang Regional Governor ng CLR -30 na si Eagle Regional Governor Alfie Baligad- Club President Marlon De Guzman-Lady Eagle President Angel Payos at ang Lady Eagle President Mherlly Quijalvo ng Victory Lady Eagles Club ng NLR 32.

Ginawa nila ang medical service sa pamamagitan ng pagbibigay ng free uric acid test-glucose sugar test-blood pressure test at Naturaphatic Assessment.

Ang nasabing Medical Mission ay ginagawa ng Sandigan Eagles Club bilang bahagi ng kanilang adhikain sa The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles Incorporated to render humanitarian services to the OFW Community in Hong Kong and the Philippines.

Natuwa naman ang ating mga kababayan dahil ang mga ganitong gawain ng Sandigan Eagles Club ay malaking tulong sa kanila lalo na ito ay libreng pinapamahagi at walang hinihiling na kapalit.