
Hindi pa kasama sa mabibigyan ng Covid-19 booster shot ang mga medical fronliners ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng booster shots rollout ng pamahalaan.
Ngayong araw kasi sinimulan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng Covid-19 booster shots sa mga medical frontliners.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz kaniyang sinabi na naghihintay pa sila ng direktiba sa DOH hinggil sa pagbibigay ng booster shots sa kanilang mga medical frontliners.
Ayon kay Lt.Gen. Vera Cruz, sa sandaling mayruon ng guidance sa kanila, agad sila magre-request ng vaccine allocation para sa booster shots ng kanilang mga medical frontliners sa buong bansa.
” Hindi pa kasama mga medical frontliners namin Anne still waiting for formal guidance so we can also request for vaccine allocation for the booster shots,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Umaasa ang pamunuan ng PNP ASCOTF na mabibigyan na rin sila ng booster allocation ng pamahalaan.

Samantala, una ng sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mga fully vaccinated healthcare workers na nais makakuha ng booster shot ay maaaring pumili ng kanilang nais na Covid-19 brand.
Sa ilalim ng DOH Memorandum 2021-0484, mga health care workers ay mayruong option na makatanggap ng homologous o heterologous booster dose depende sa availability ng vaccine brands sa mga vaccination site.
Ang homologous dose ay ang pag-administer ng vaccine mula sa kaparehong brand para makumpleto ang primary vaccine series habang ang hetelogous dose ay ang paggamit ng vaccine mula sa ibang brand.
Inirekumenda ng DOH ang paggamit ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca bilang booster shots.
Ang Sinovac vaccine ay maaari lamang gamitin sa homologous dose at hindi inirekumenda sa heterologous dose.















