-- Advertisements --

ILOILO CITY- Pumalo na sa 1,048 ang mga medical frontliners sa Western Visayas na nahawaan ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Marie Jocelyn Te, COVID-19 spokesperson ng Department of Health Region 6, sinabi nito na sa nasabing bilang, 616 ang mga medical workers, 515 ang active cases, 6 ang under verification at 2 ang patay.

Ayon kay Te, ang dalawang namatay ay naitala sa Bacolod City at Negros Occidental.

Ang mga non-medical workers naman na infected ng virus ay kinabibilangan ng 351 na mga active cases, 77 ang naka recover at isa ang namatay.

Upang hindi maantala ang operasyon sa rehiyon, nagpadala ang Central Visayas ng mga military nurses at doctors bilang bahagi ng augmentation team.