Binigyang diin ng DOTr na malaki ang papel ng mga miyembro ng media sa pagpapaalam sa publiko ng mga benepisyo ng mga proyektong imprastraktura ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa nasabing departamento partikular na dito ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista sa mga miyembro ng media na tulungan ang ahensya na maabot at ipaalam sa publiko ang mga transformational projects ng DOTr.
Sa pagpapaliwanag ng mga benepisyo nito, sinabi ni Bautista na ang mga naturang proyekto ay inaasahang magpapabago sa sektor ng transportasyon.
Aniya, pinabibilis ng DOTr ang pagkumpleto ng mga naturang proyekto para mabawasan ang traffic, waiting lines, smoke-belching jeepneys, flight cancellations at marami pang ibang usapin ukol sa transportasyon.
Ipinaliwanag ng transport chief na ang makapal na portfolio ng mga proyekto ng transport agency ay nakikita rin na magpapalakas sa lokal na ekonomiya at makikinabang sa mga mula sa economic ladder.