-- Advertisements --
House of Representatives

Malaking tulong daw para sa mababang food productivity ang panukalang batas na inihain ng isang kongresista para mahikayat ang mga kabataan sa agri activities.

Ayon kay Kabayan Partylist Representative Ron Salo, ito ay sa pamamagitan ng kanyang House Bill No. 6769 na layong himukin ang mga kabataang na matutunan ang kahalagahan ng agriculture, fisheries, forest at marine conservation maging ang management at ecology.

Nakapaloob sa proposed measure na “Agri-Scouting Act,” ang proactive stance sa environment conservation at climate change resiliency, madiskubre ang fundamental concepts ng proper food nutrition at para sa modern farming, fisheries maging ang food production methods.

Ipinunto ng mambabatas na sa kabila ng pagkakaroon ng abundant natural resources ng bansa ay mababa pa rin ang food productivity.

Ang mababang food productivity rin daw ay nagiging national issue na.

Base raw kasi sa 2020 report on the State of Food Security and Nutrition in the World na inihanda ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations (UN), nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamatas na bilang ng food insecure people sa Southeast Asia noong 2017 hanggang 2019.

Nasa 59 million Filipinos ay nakararanas ng moderate hanggang sa severe sa kakulangan ng access sa pagkain.

Ang naturang findings ay nai-record bago ang pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Para naman maisakatuparan ang naturang panukala, ang Department of Education (DepEd) ay siyang magiging daan para ma-integrate ang Agri-Scouting bilang programa sa elementarya at junior high school sa ilalim ng K-12 curriculum sa lahat ng public at private schools sa Pilipinas.

Ang DepEd din ang magsu-supervise at magko-control sa program implementation ng naturang panukalang batas.